Bicol Int’l Airport tapos sa Hunyo 2020 — DOTr

Mismong si Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade ang nagbigay ng katiyakan na matatapos ang Bicol International Airport (BIA), sa Hunyo 2020.

The post Bicol Int’l Airport tapos sa Hunyo 2020 — DOTr appeared first on Abante News Online.

bicol intl airport tapos sa hunyo 2020 dotr - Bicol Int’l Airport tapos sa Hunyo 2020 — DOTr
tugade - Bicol Int’l Airport tapos sa Hunyo 2020 — DOTr

Mismong si Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade ang nagbigay ng katiyakan na matatapos ang Bicol International Airport (BIA), sa Hunyo 2020.

Ibinalita ni Albay Rep. Joey Salceda na inihayag ito ni Tugade sa pulong nila kamakailan sa tanggapan ng DOTr sa Clark, Pampanga kung saan tina­lakay ang huling mga kaganapan kaugnay sa P4.8 bilyong BIA at iba pang mga proyekto sa mga rehiyon.

Oras na mangyari ito, magiging operational ang BIA, na kasalukuyan nang itinatayo sa bayang ito, bago matapos ang taong 2020.

Walang dudang malaki ang maiaambag ng BIA kapag natapos ito sa pangkalahatang pagsulong ng bansa, lalo na sa larangan ng turismo. Magsisilbi itong susi para mabuksan ang mga natural wonders na atraksyon ng turismo ng Timog Luzon.

Itinuturing na ‘Pinakamagandang Pintuan’ ang BIA sa buong bansa para sa mga dayuhang turista,

Sa ngayon ay pang-4 ang Albay sa mga dinarayong mga lugar ng mga turista sa bansa. Higit pang tataas ang ranggo nito kung pagsasamahin ang natural na daloy ng mga turista sa Albay, Sorsogon at Masbate.

Ayon kay Salceda, kumpleto na ang pondo para sa BIA at mabilis ang progreso ng paggawa nito matapos maresolba ang ilang usaping teknikal kaugnay sa proyekto, kasama na ang relokasyon ng mga ‘transmission tower’ ng National Grid Corporation of the Philippines.

The post Bicol Int’l Airport tapos sa Hunyo 2020 — DOTr appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *