Bibisita sa sementeryo hihigpitan

Iniutos ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang mahigpit na implementasyon ng health protocol sa publiko na maagang bibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa Manila North at South Cemetery.

The post Bibisita sa sementeryo hihigpitan first appeared on Abante.

bibisita sa sementeryo hihigpitan - Bibisita sa sementeryo hihigpitan
Sementeryo - Bibisita sa sementeryo hihigpitan

Iniutos ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang mahigpit na implementasyon ng health protocol sa publiko na maagang bibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa Manila North at South Cemetery.

Kabilang dito ang temperature check, pagsusuot ng facemask at face shield, at pagsunod sa physical distancing. Ipinagbabawal ang pagpasok ng mga senior citizen at edad 20 pababa. Hindi rin papayagan ang pagpasok ng sasakyan at mga vendor. Sa paglilibing naman, 30 katao lamang ang papayagan na makapasok sa sementeryo.

Una nang inianunsiyo ni Moreno na isasara ang mga sementeryo, columbary, at memorial park sa Maynila mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3, bilang bahagi ng hakbang upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Bibisita sa sementeryo hihigpitan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *