BFF ni Greco nanuhol daw ng P2B

Todo depensa si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa pagkadawit ng kanyang pangalan sa katiwalian batay sa ulat na isinumite ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kay Pangulong Rodrigo Duterte.

The post BFF ni Greco nanuhol daw ng P2B first appeared on Abante.

bff ni greco nanuhol daw ng p2b - BFF ni Greco nanuhol daw ng P2B
abante PACC Commissioner Greco Belgica - BFF ni Greco nanuhol daw ng P2B

Todo depensa si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa pagkadawit ng kanyang pangalan sa katiwalian batay sa ulat na isinumite ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam kay Yap sa radyo, tinawag nito ang ulat laban sa kanya ng tanggapan ni PACC Commissioner Greco Belgica na isang “diversionary” o “pamatay sunog” lamang diumano upang pagtakpan nito ang mga kinakaharap na kasong may kinalaman sa isyu ng Duty Free Philippines.

Isiniwalat pa ng kongresista na minsan na ring hindi niya pinagbigyan ang kahilingan ng isang `common friend’ nila ni Belgica na gustong magpasok ng proyektong nagkakahalaga ng P2 bilyon.

“Meron kaming common friend na nasanay siguro noong hindi pa ako ang appropriations chair, eh nakakapagsingit po sila ng bilyong pisong pondo. Noong ako na ang appropriations chair, hindi ko po pinayagan ito dahil mas importante sa akin `yong kakailanganin ng sambayanang Pilipino, `yong vaccine po,” sabi ni Yap.

Sa tanong kung ano ang hinihingi ng `common friend’ nila, sinabi ni Yap na P2 bilyong halaga ng proyekto.

“Hindi ko po kayang gawin ito dahil wala naman po akong power magbigay ng bilyon. Unang-una, sabi ko magpaalam kayo sa Speaker at pumunta kayo sa agency involved. Kung gusto ninyong magpasok sa IT, puntahan niyo `yong IT. Doon kayo magpalagay ng pondo, hindi sa akin. Appropriations nga ako pero hindi ko trabahong magsingit ng pondo. At hindi ko puwedeng gawin yun kahit magkaibigan tayo,” sabi ni Yap.

Gayunman, nilinaw ni Yap na wala namang paramdam o pasabi mula kay Belgica ukol sa hinihingi ng kaibigan nila.

“Kaya nga ang sa akin ay common friend naming ito ni Greco at noong hindi pa ako ang appro chair, nakapagpasok sila ng bilyun-bilyon,” dagdag pa ni Yap. (Eralyn Prado)

The post BFF ni Greco nanuhol daw ng P2B first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *