BFAR pinasalamatan sa paglabas ng fishing rule

IKINATUWA ng ilang civil society group ang paglalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng fishing vessel monitoring rules para may kakainin ang mga susunod na henerasyon.

The post BFAR pinasalamatan sa paglabas ng fishing rule first appeared on Abante.

bfar pinasalamatan sa paglabas ng fishing rule - BFAR pinasalamatan sa paglabas ng fishing rule
BFAR - BFAR pinasalamatan sa paglabas ng fishing rule

IKINATUWA ng ilang civil society group ang paglalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng fishing vessel monitoring rules para may kakainin ang mga susunod na henerasyon.

Pahayag ng ilang grupo, ang naturang Fisheries Administrative Order 266 na pirmado na ni Agriculture Secretary William Dar ay makatutulong para makapagpalaki ng isda ang mga Pinoy at mapigilan ang mga iligal na pangingisda sa katubigan ng bansa.

“Malaking bagay ang paglalabas ng alituntunin sa vessel monitoring mechanism para sa mga komersyal na bangkang pangisda na lagpas 3 gross tons. Ito ay naaayon sa mga probisyon ng Republic Act 10654, at para masunod ang sustainable fisheries management. Naniniwala kaming makakatulong ito para mapigilan ang illegal, unreported and unregulated fishing lalo na ang pagpasok ng mga komersyal na bangkang pangisda sa sa 15-kilometer municipal water,” ani Dinna Umengan, coordinator ng Pangisda Natin Gawin Tama (PANAGAT), nakikipagtulungan sa mga mangingisda para pangalagaan ang karagatan at kapaligiran.

Isa rin si Romblon Mayor Gerard Montojo sa mga unang nanghikayat na ilabas na ang vessel monitoring rule lalo’t humaharap ang bansa sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“Mahalaga ang masigla at malusog na karagatan para sa ating mga baybaying bayan at mga pulo para matiyak ang pagkain, kalusugan at kabuhayan nating mga kababayan. Hindi nakakapagtaka na ang mga lokal na pamhalaan ang mga naunang tumindig at pinigilan ang pagpasok ng komersyal na bangkang pangisda sa 15-kilometer municipal waters na pinamumunuan nila,” giit naman ni Oceana Vice President Gloria Estenzo Ramos.

Pinuri ng international non-government organization na Oceana ang pamunuan ni Secretary Dar sa pagtupad nito ng kanyang pangakong ipatupad ang batas.

The post BFAR pinasalamatan sa paglabas ng fishing rule first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *