BFAR chief binira sa pagkampi sa mga Chinese

Kinuyog ng ilang militanteng kongresista si Bureau of Fisheries and Aquatic Reforms (BFAR) Director Eduardo Gongona matapos payuhan ang mga mangingisdang Pinoy na lubayan ang Scarborough (Panatag) shoal dahil okupado ito ng mga sasakyang pandagat ng mga Intsik.

The post BFAR chief binira sa pagkampi sa mga Chinese appeared first on Abante News Online.

bfar chief binira sa pagkampi sa mga chinese - BFAR chief binira sa pagkampi sa mga Chinese
bfar - BFAR chief binira sa pagkampi sa mga Chinese

Kinuyog ng ilang militanteng kongresista si Bureau of Fisheries and Aquatic Reforms (BFAR) Director Eduardo Gongona matapos payuhan ang mga mangingisdang Pinoy na lubayan ang Scarborough (Panatag) shoal dahil okupado ito ng mga sasakyang pandagat ng mga Intsik.

Ayon kay Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao, mistulang sinampal ng opisyal ang sarili nito.

“Gongona just slapped his own face with his statement. Aside from obviously a surrenderee on the claim of our country’s waters, he is outright violating the mandate of his own office,” pahayag ni Casilao.

Binanggit ng solon na ang BFAR ay binuo alinsunod sa Presidential Decree 461 at pinagtibay ng Republic Act 8550 o Fisheries Code of 1998.

Tungkulin ng ahensya na ipatupad ang mga batas at bumalangkas ng mga panuntunan at regulasyon na may kinalaman sa konserbasyon at pangangasiwa ng yamang dagat ng bansa.

Hinamon ng Anakpawis solon si Gongona na gawin ang trabaho nito at alamin kung may permiso ang mga Intsik na tumambay sa Panatag Shoal.

“Hindi na nga niya ginagawa ang trabaho niya, pipigilan pa niyang maglayag ang ating mga mangi­ngisda, na sila na nga lang ang nagtatanggol ng teritoryo natin sa West Philippine Sea, dahil nga walang silbi ang Armed Forces of the Philippines kontra pa­nanakop ng China,” giit ni Casilao.

Ayon naman kay Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate patalo ang payo ng BFAR.

“Habang ganito ang ginagawa ng China sa ating mga mangingisda ay patuloy naman ding dinadahas ng PNP at AFP ang hanay ng mga kritiko ng patalong polisiyang ito ng gobyernong Duterte. Ang tatapang pala ng AFP at PNP e bakit ‘di sila doon sa Scarbo­rough shoal at Pag-asa island magpakitang gilas laban sa China,” pagdidiin ni Zarate. (Aries Cano)

The post BFAR chief binira sa pagkampi sa mga Chinese appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *