BFAR: Bawal ang taklobo hunting

GINIIT ng Bureau of Fisheries and Aqua­tic Resources (BFAR)- Davao na mahigpit na pinagbabawal ang pa­ngunguha ng taklobo o giant clam, maging sa kabundukan ng Island Garden City of Samal sa Davao del Norte.

The post BFAR: Bawal ang taklobo hunting appeared first on Abante News Online.

bfar bawal ang taklobo hunting - BFAR: Bawal ang taklobo hunting
Taklobo - BFAR: Bawal ang taklobo hunting

GINIIT ng Bureau of Fisheries and Aqua­tic Resources (BFAR)- Davao na mahigpit na pinagbabawal ang pa­ngunguha ng taklobo o giant clam, maging sa kabundukan ng Island Garden City of Samal sa Davao del Norte.

Ayon kay Atty. Rachel Bacera, legal officer ng BFAR-Davao, paglabag sa Fisheries Code of the Philippines ang pangu­nguha ng taklobo.

Kasunod ito ng malawakang taklobo hunting na nagaganap sa lungsod at kaugnay na rin sa ilan umanong residente ng Samal na nahumaling sa iligal na pangunguha ng taklobo.

“Walang sinasabi kung buhay o patay, kung makikita natin ito sa bundok o ‘di kaya sa tubig ibig sabihin if fossilized na siya,” ayon kay Bacera.

Napag-alaman ng BFAR na ibinebenta umano ang mga taklobo sa halagang P5,000 at ginagawa ring alahas tulad ng perlas at sangkap din sa paggawa ng mga cosmetic product.

Pero nanindigan ang ibang residente na hindi nila alam na ba­wal ang kanilang ginagawa at hindi rin nila ito kinuha sa dagat bagkus tinitibag pa nila ito sa mga limestone. (Riz Dominguez)

The post BFAR: Bawal ang taklobo hunting appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *