BF ni Ara Mina P1B atraso sa PNP

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang kapalpakan ng Philippine International Trading Corporation (PITC) matapos mabunyag na bigo pa rin itong i-deliver ang mahigit sa P1 bilyong kagamitan para sa Philippine National Police (PNP) may tatlong taon na ang nakallipas.

The post BF ni Ara Mina P1B atraso sa PNP first appeared on Abante.

bf ni ara mina p1b atraso sa pnp - BF ni Ara Mina P1B atraso sa PNP
ara mina 4 - BF ni Ara Mina P1B atraso sa PNP

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang kapalpakan ng Philippine International Trading Corporation (PITC) matapos mabunyag na bigo pa rin itong i-deliver ang mahigit sa P1 bilyong kagamitan para sa Philippine National Police (PNP) may tatlong taon na ang nakallipas.

Ayon sa Commission on Audit (COA), inilipat ng PNP ang P1.347 bilyong pondo nito sa PITC mula Marso hanggang Abril 2016 para bumili ng mga sasakyan, armas, at iba pang equipment na kakailanganin ng mga pulis.

Ang PITC ang trading arm ng Department of Trade and Industry (DTI) at ito ang nangangasiwa ng pag-aangkat ng ibang pangangailangan ng ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon sa COA, November 2019 lamang idineliver ng PITC sa PNP ang P311.01 milyon sa inorder nito: 141 7.62mm light machine gun, walong 5.56mm na light machine gun, at 1,677 na basic assault rifles.

Mahigit pa sa P1 bilyon ang balanseng dapat ideliver sa PNP at lampas tatlong taon na itong atrasado.

Sabi ng COA, nawalan ng saysay ang pagkuha ng PNP sa PITC dahil dapat pinabibilis nito ang pagbili ng mga kagamitan sa ibang bansa imbes na pinatatagal.

Sinabihan ng COA ang PNP na sabihan ang PITC na ideliver na agad lahat ng mga equipment at hingan ito ng refund sa lahat ng mga inorder nitong hindi pa nadedeliver.

Dagdag pa ng COA, dapat ding singilin ng PNP ng interes ang PITC para sa perang nakatengga sa kanila ng matagal na hindi ginagamit para maideposito sa Bureau of the Treasury.

Nabatid na nakipagpulong na ang mga kinatawan ng PNP sa mg opisyal ng PITC noong Nobyembre ng nakaraang taon para pag-usapan ang estado ng mg unliquidated fund transfer dito.

Sinabi ng PITC na nai-award na nila ang kontrata para sa pagbili ng ₱316 million halaga ng nga baril at rifles at hinihintay na lang umano nila ang mga certificates of acceptance ng mga ito.

Si Dave Almarinez ang President at CEO ng PITC na nobyo ng celebrity na si Ara Mina na minsang naging kontrobersyal dahil sa road rage incident sa Laguna noong Enero ngayong 2020.

Hiningan ng reaksyon ng Abante ang aktres sa alegasyon sa umano’y BF nito.

‘So funny” ang kanyang naging tugon at ayaw nang patulan ang isyu. (Eileen Mencias/ Mia Billones)

The post BF ni Ara Mina P1B atraso sa PNP first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *