Bet ni Sara ‘di umubra kay Bebot

SA kabila ng makinarya ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), hindi umubra si outgoing Davao del Norte Gov. Anthony del Rosario kay dating House Speake­r at incumbent congressman Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez sa kanilang labanan sa Unang Distrito ng lalawigan.

The post Bet ni Sara ‘di umubra kay Bebot appeared first on Abante News Online.

bet ni sara di umubra kay bebot - Bet ni Sara ‘di umubra kay Bebot
ABANTE sara 1 - Bet ni Sara ‘di umubra kay Bebot

By JC Cahinhinan

SA kabila ng makinarya ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), hindi umubra si outgoing Davao del Norte Gov. Anthony del Rosario kay dating House Speake­r at incumbent congressman Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez sa kanilang labanan sa Unang Distrito ng lalawigan.

Si Alvarez ay nakakuha ng 163,977 boto kum­para kay Del Rosario na may 68,193 lamang kung saan as of 2:50 nang hapon nitong Martes ay 99.59% na ng election returns ang nabilang.

Dapa din ang isa pang kandidato ng Hugpong na si incumbent Rep. Antonio ‘Tony Boy’ Floirendo, Jr. sa ikalawang distrito ng lalawigan laban sa manok ng PDP-Laban na si Vice-Gov. Aldu Dujali. Nakakuha si Dujali ng 125,170 boto kumpara sa 92,679 ni Floirendo.

Sina Alvarez at Floirendo ay dating magkaibigan pero nagkalabuan at naging mortal na magkaaway.

Napatalsik bilang Speaker ng Kamara si Alvarez noong Hulyo 2018 matapos na trabahuin ito ni Davao City Mayor Sara Duterte, lider ng Hugpong.

Nangako naman si Alvarez na muli siyang tatakbo bilang Speaker ng 18th Congress kung saan inaasahang makakasagupa niya si Taguig Representative-elect Alan Peter Cayetano.

The post Bet ni Sara ‘di umubra kay Bebot appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *