Bet ng academic freeze ‘wag na mag-aral

Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga estudyanteng nagbabanta ng academic freeze na mas mabuting tumigil na lamang silang mag-aral at hintaying dumating ang bakuna .

The post Bet ng academic freeze ‘wag na mag-aral first appeared on Abante.

bet ng academic freeze wag na mag aral - Bet ng academic freeze ‘wag na mag-aral
abante academic - Bet ng academic freeze ‘wag na mag-aral

Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga estudyanteng nagbabanta ng academic freeze na mas mabuting tumigil na lamang silang mag-aral at hintaying dumating ang bakuna .

Tugon ito ng Pangulo sa banta ng mga estudyante ng Ateneo de Manila University na hindi sila magsusumite ng academic reuirements hanggat hindi natutulungan ang mga biktima ng bagyo at natutugunan ang probkema sa COVID pandemic.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo sa mga estudyante na hindi sila ang may problema sa COVID-19 at pagtugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng mga bagyo kundi ang gobyerno.

” Yung ganoong mga..huwag kayong pumasok. I’d suggest to you to stop schooling until mabakunahan lahat ng Pilipino. You are taking the cudgels of the poor ahead of your time. That is not your worry, that is the worry of the government ,” anang Pangulo.

Kung ayaw aniya ng mga estudyante na pumasok sa klase at mas gustong magprotesta, sinabi ng Pangulo na mas mainam na huwag ng pumasok para mabawasan ang gastos ng kanilang mga magulang.

“Stop schooling. That will save money for tour parents. Better make use of your time anywhere,” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping)

The post Bet ng academic freeze ‘wag na mag-aral first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *