Bet ko milita sa 2020 – Duterte

KUNG si Pangulong Rodrigo Duterte ang masusunod ay nais nitong isang militar ang susunod na magiging pinuno ng bansa pagkatapos ng kanyang termino.

bet ko milita sa 2020 duterte - Bet ko milita sa 2020 – Duterte
duterte 115 - Bet ko milita sa 2020 – Duterte

KUNG si Pangulong Rodrigo Duterte ang masusunod ay nais nitong isang militar ang susunod na magiging pinuno ng bansa pagkatapos ng kanyang termino.

Inihayag ito ng Pangulo sa harap na rin ng matinding pagkadismaya nito sa talamak na katiwalian sa gobyerno at problema ng iligal na droga.

Sa kanyang talumpati nitong Huwebes sa oath taking ng mga bagong opisyal sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na hangga’t hindi nalilinis ang gobyerno sa talamak na katiwalian at hindi nagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa bansa ay hindi aangat ang Pilipinas.

“We are all students of history. ‘Pag hindi natin — ‘pag hindi ko nakaya ‘to, paningin ko walang makakaya except you’ll have a military running the show. There will never be an ending violence against the people and our children,” anang Pangulo.

Bukod umano sa problema ng shabu, nagiging talamak na rin ang paggamit ng cocaine dulot ng pagpasok ng Sinaloa drug cartel ng Mexico.

“Kaya makita mo ngayon cocaine. The rich guys are doing cocaine and they cannot be just… may mga yate, may mga eroplano. And they can puff their way to death in places where they are beyond reach by the authorities. Gano’n ang style and if we cannot have a control, mahirap because ang pera talaga is corrosive,” himutok pa ng Pangulo.

Kaya kung siya ang tatanungin, gusto niyang militar ang susunod na pangulo ng Pilipinas.

“Ang problema, ang magsunod… ah ako you better… tanungin ninyo ako, get a military to be elected… ‘yung mga ‘yung in the horizon, makita mo man,” wika ni Duterte.

Karamihan sa mga opisyales ni Pangulong Duterte ay mga retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines dahil sa agaran nilang nagagawa ang pinag-uutos nito kumpara sa mga bureaucrat. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *