Ben Tulfo sa P10M na apology: Ang kakapal, daig pa si Padre Damaso

BINIRA ni broadcaster Ben Tulfo si Social Welfare Secretary Rolando Bautista dahil sa paglatag ng mga kondisyon bago tanggapin ang apology ng kapatid na Erwin dahil sa ginawa nitong pagmumura laban sa dating army chief.

The post Ben Tulfo sa P10M na apology: Ang kakapal, daig pa si Padre Damaso appeared first on Abante News Online.

ben tulfo sa p10m na apology ang kakapal daig pa si padre damaso - Ben Tulfo sa P10M na apology: Ang kakapal, daig pa si Padre Damaso
ABANTE ben - Ben Tulfo sa P10M na apology: Ang kakapal, daig pa si Padre Damaso

BINIRA ni broadcaster Ben Tulfo si Social Welfare Secretary Rolando Bautista dahil sa paglatag ng mga kondisyon bago tanggapin ang apology ng kapatid na Erwin dahil sa ginawa nitong pagmumura laban sa dating army chief.

“P***** na ‘brotherhood’! Ang KAKAPAL! Ayon sa kumag na OIC, mag-sorry daw sa lahat ng media outlet. ‘BUTAW’ na P300k kinakailangan para mahugasan ang kasalanan,” ayon sa tweet ni Ben na ang pinatatamaan ay si Bautista.

“Tsong, daig mo pa si Padre Damaso at mga kolokoy na kauri mo! Nagpapatawa ka ba?!” dagdag pa niya.

Tinutukoy ni Ben ang naging pahayag ni Bautista na tatanggapin lamang niya ang apology ni Erwin kung gagawin niya ito sa iba’t ibang media platform at pag-donate ng P300,000 sa 19 charities.

Kung susumahin, halos P10 milyon ang gagastusin ni Erwin sa apology na ilalabas sa anyo ng advertisement sa mga dyaryo at radio stations, gayundin sa mga social media platform.

“Sa palakay niyo kaya mananahimik lang ako’t hahayagan ko ‘tong mga kumag, kenkoy at kolokoy na maghari-harian?” banat ni Ben sa hiwalay na post sa Facebook.

“Patikim ko ng konting sapak nang matauhan at magisip-isip. Hindi lang sila ang may mga ba****. Pare-pareho tayong may mga b****, ‘wag na tayong mag­lokohan pa!”dagdag pa niya.

Matapos na murahin at pagbantaan ni Erwin si Bautista dahil sa pagtanggi nitong magpa-interview sa programa ng una, sinuportahan ng mga dating heneral ang DSWD secretary.

Kasunod nito, tinanggal na ang security detail ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa magkaka­patid na Tulfo at inalis na rin ang programa ni Erwin sa go­vernment radio station. Pinasusuko na rin ng PNP ang mga baril ni Erwin.

The post Ben Tulfo sa P10M na apology: Ang kakapal, daig pa si Padre Damaso appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *