Bello inawat mga OFW na magbakasyon sa ‘Pinas

Pinayuhan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa United Kingdom (UK) na nagpaplanong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon ay dapat isaalang-alang na ipagpaliban muna ang kanilang biyahe.

The post Bello inawat mga OFW na magbakasyon sa ‘Pinas first appeared on Abante.

bello inawat mga ofw na magbakasyon sa pinas - Bello inawat mga OFW na magbakasyon sa ‘Pinas
abante belllo - Bello inawat mga OFW na magbakasyon sa ‘Pinas

Pinayuhan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa United Kingdom (UK) na nagpaplanong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon ay dapat isaalang-alang na ipagpaliban muna ang kanilang biyahe.

Ayon kay Bello nanghihinayang siya sa panahon na gugugulin ng OFWs sa quarantine na 14 – araw kung uuwi lamang sila para magbakasyon, ngunit kung gusto nila talagang umuwi okay lang pero mas mas mainam aniya na hintayin na lang nila na gumanda ang panahon.

Sinabi ni Bello ang kanyang mungkahi kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na ang mga Pilipinong uuwi ay sumusugal na sana ay hindi sila carrier ng bagong virus.

“Sabi ko may total restrictions sa mga galing ng UK except ‘yung mga Filipinos na uuwi. OK lang naman pero ang problema, kung OFW, uuwi dito, magbabakasyon, maka-quarantine ng 14 days,” paliwanag ni Bello, ngunit sabi ng Pangulo pauwiin ang mga ito.

Ang mga Pilipinong dumating sa bansa mula sa UK bago mag-Pasko ay sumailalim sa 14 – araw na quarantine bilang bahagi ng mas pinahigpit na hakbang ng gobyerno sa gitna ng bagong SARS-CoV-2 na kumakalat sa Britain.

Sinabi pa ni Bello na batay sa ulat ng mga opisyal ng DOLE sa UK, wala pang mga Pinoy ang nahawahan ng bagong coronavirus. (Mina Navarro)

The post Bello inawat mga OFW na magbakasyon sa ‘Pinas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *