Beep card ilibre – Tugade

Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) na ibigay na lamang na libre ang mga stored value cards o “beep” cards sa mga pasahero na bibili ng load bilang pamasahe sa lahat ng pampublikong sasakyan.

The post Beep card ilibre – Tugade first appeared on Abante.

beep card ilibre tugade - Beep card ilibre – Tugade
abante beep card - Beep card ilibre – Tugade

Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) na ibigay na lamang na libre ang mga stored value cards o “beep” cards sa mga pasahero na bibili ng load bilang pamasahe sa lahat ng pampublikong sasakyan.

Ang kautusan ni DOTr Secretary Arthur P. Tugade ay para sa lahat ng key officials ng rail and road sector na nago-operate ng automatic fare collection system sa Metro Manila rail systems at sa EDSA Busway na kung saan mabigat umano para sa mga pasahero ang P30 hanggang P50 na halaga ng beep card na maaari pa sanang magamit bilang pamasahe.

“Dapat libre lang ang card. We are still under quarantine measures. Workers who have just returned to work are the main users of the rail system and the EDSA Busway. Malaking bagay para sa mga ordinaryong manggagawa ang P30-P50 na ikakaltas para bayaran ang card ng Beep. Pasahe din ‘yun. They should be spared from the burden of having to pay the price of the beep card on top of their fares,” paliwanag ni Sec. Tugade.

Samantala, sinimulan na ng DOTr ang cashless automatic fare collection scheme sa lahat ng public utility buses na bibiyahe sa EDSA at gagamitin lamang ang beep card. (Vick Aquino)

The post Beep card ilibre – Tugade first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *