Bebot hinalay, pinatay sa Rizal

Ginang na nakipagsabunutan, todas sa atake sa puso

GINAHASA muna bago tuluyang pinatay sa saksak ng hindi pa kilalang suspek ang 35-anyos na babae na natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang kuwarto kamakalawa nang hapon sa Cardona, Rizal.

The post Bebot hinalay, pinatay sa Rizal appeared first on Abante News Online.

bebot hinalay pinatay sa rizal - Bebot hinalay, pinatay sa Rizal
dead 4 - Bebot hinalay, pinatay sa Rizal

GINAHASA muna bago tuluyang pinatay sa saksak ng hindi pa kilalang suspek ang 35-anyos na babae na natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang kuwarto kamakalawa nang hapon sa Cardona, Rizal.

Ito ang tinitingnang anggulo ng pulisya nang makita ang bangkay ng biktimang nakilalang si Lorilyn Delos Santos, na nakahandusay sa kama sa loob ng kuwarto nito sa Purok 1 Tancingco St. Brgy. Patunhay ng nasabing bayan.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:40 nang hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto ni Peewee Belgica, 36, babae, kaya personal itong nagtungo sa himpilan ng pulisya upang iulat ang krimen.
Agad na rumesponde ang pulisya sa lugar ng insidente at doon nila inabutan ang biktima na naliligo sa sariling dugo dahil sa mga saksak sa katawan habang nakahandusay sa kanyang kama.

Nakita din ang isang kitchen knife na tigmak ng dugo na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pagpatay kay Delos Santos.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na base sa itsura ng bangkay ng biktima na walang saplot pang ibaba at tadtad ng saksak sa katawan, posibleng ginahasa muna ito bago pinatay.

Sa ngayon ay isinailalim sa autopsiya ang bangkay ng suspek habang patuloy ang imbestigasyon hinggil sa krimen. (Edwin Balasa)

The post Bebot hinalay, pinatay sa Rizal appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *