Bebot dinakma sa pag-umitng makeup,lipstick

arrested

ARESTADO ang isang 31-anyos na babae matapos mang-umit ng lipstick at makeup sa loob ng isang convenience store kamakalawa sa Barangay Kabayanan, San Juan City.

The post Bebot dinakma sa pag-umitng makeup,lipstick appeared first on Abante News Online.

bebot dinakma sa pag umitng makeuplipstick - Bebot dinakma sa pag-umitng makeup,lipstick
arrested 0021 - Bebot dinakma sa pag-umitng makeup,lipstick

ARESTADO ang isang 31-anyos na babae matapos mang-umit ng lipstick at makeup sa loob ng isang convenience store kamakalawa sa Barangay Kabayanan, San Juan City.

Sa nakalap na report sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Maricar Buenaflor y Brillantes, 31-anyos, residente ng F. Manalo St., San Juan City na nahaharap sa kasong theft/ shoplifting.

Naganap ang insidente bandang ala-1:43 Martes nang hapon sa loob ng 7-Eleven store sa F. Blumentritt cor. F. Manalo, Barangay Kabayanan, San Juan City makaraang ireklamo ni Gil Marianita y Alberto, 36, store ma­nager, ang suspek sa pagnanakaw ng isang EB Matte lipstick na nagkakahalaga ng P180.00 at isang EB Precision Blende eyelashes na P95.00.

Papalabas na sana ng 7-Eleven ang suspek nang mapansin ng staff ang pagbulsa ng suspek sa dalawang beauty item kaya agad na sinita at dinala sa San Juan Police Station.

Nakakulong ngayon ang suspek sa San Juan detention cell. (Vick Aquino)

The post Bebot dinakma sa pag-umitng makeup,lipstick appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *