Bea may sariling gym

Sobrang saya ni former Ateneo Lady Eagles spiker Bea De Leon nang matapos na nito ang itinayong gym.

bea may sariling gym - Bea may sariling gym
bea 2 - Bea may sariling gym

Sobrang saya ni former Ateneo Lady Eagles spiker Bea De Leon nang matapos na nito ang itinayong gym.

Ipinasilip ng 24-anyos na balibolista ang sariling ‘home gym’ via Instagram story.

“Completed the home gym. I’m so happy,” saad nito.

Nagmistula namang hotel gym ang working area ng six-footer middle blocker dahil meron itong bench press, lat pull down machine, treadmill, dumbbells at stationary cycle.

Katwiran ng dalaga, in-invest niya ang nasabing mga equipment upang ma-maintain nito ang magandang pangangatawan at kurba.

“Couldn’t afford not to invest in it. Gotta make sure I’m in shape when we go back,” caption ni ng Choco Mucho star sa nasabing IG story bilang paghahanda sa pagbabalik ng 2020 Premier Volleyball League sakaling mabigyan na ng go-signal ng IATF. (Aivan Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *