BDO inararo ng SUV ni ex-mayor: 3 sugatan

TATLONG katao ang sugatan matapos na araruhin ng isang SUV na pagmamay-ari ng dating mayor ang isang bangko sa kahabaan ng McArthur highway sa bayan ng Marilao, Bulacan Biyernes nang umaga.

bdo inararo ng suv ni ex mayor 3 sugatan - BDO inararo ng SUV ni ex-mayor: 3 sugatan
abante sugatan - BDO inararo ng SUV ni ex-mayor: 3 sugatan

TATLONG katao ang sugatan matapos na araruhin ng isang SUV na pagmamay-ari ng dating mayor ang isang bangko sa kahabaan ng McArthur highway sa bayan ng Marilao, Bulacan Biyernes nang umaga.

Kinilala ang mga sugatang biktima na sina Juaniver Felicis at Gerard Hermogenes; pa­wang mga security guard ng Banco De Oro, Marilao Branch at ang kliyenteng si Kristine Lanoza na nagkataong nagwi-withdraw ng pera sa Automated Teller Machine (ATM) ng nasabing bangko.

Sa report ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel Chito Bersaluna, naganap ang insidente dakong alas-10:00 nang umaga sa isang sa­ngay ng Banco De Oro na matatagpuan sa Barangay Abangan Norte ng nasabing bayan.

Base sa imbestigasyon, nakaparada lamang ang kulay puting Audi SUV (PN 8943) na pag-aari ni dating Marilao Mayor Epifanio Villamar Guillermo, 83, residente ng Brgy. Poblacion 2, Marilao nang mangyari ang insidente.

Ayon sa pulisya, big­la na lamang umanong humarurot pasulong ang nasabing SUV dahilan upang bumangga ito sa salaming pintuan ng bangko at nabangga ang mga biktima.

Sa pahayag ng mga empleyado ng bangko, huminto lamang ang behikulo matapos na bumangga sa ilang mesa ng mga teller sa loob ng establisimyento.

Agad namang isinugod sa Saint Michael Family Clinic ang mga biktima upang malapatan ng pangunahing lunas habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pangyayari. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *