BCDA sinisi sa pagdami ng mga POGO

BCDA SINISI SA PAGDAMI NG MGA POGO

SINISI ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Cong. Jericho ‘Koko’ Nograles ang pamunuan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) dahil sa umano’y mga nagsulpultang Chinese POGO hub malapit sa mga pangunahing kampo militar sa bansa.

bcda sinisi sa pagdami ng mga pogo - BCDA sinisi sa pagdami ng mga POGO
nograles 1 - BCDA sinisi sa pagdami ng mga POGO

SINISI ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Cong. Jericho ‘Koko’ Nograles ang pamunuan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) dahil sa umano’y mga nagsulpultang Chinese POGO hub malapit sa mga pangunahing kampo militar sa bansa.

Sa isang panayam ng CNN Philippines, ipinaliwanag ni Nograles na nakakabahala ang mga naglitawang Chinese POGO hub na malapit sa mga vital installation sa bansa, dahil ilang kilometro lamang ang kanilang mga pasilidad sa mga kampo ng Sandatahang Lakas at Pambansang Pulisya.

Giit ni Nograles, tila ba pagpapabaya ng BCDA matapos nitong payagan ang mga POGO operator na makapagtayo ng kani-kanilang mga establisimyento malapit sa mga security-risk area sa bansa kagaya ng Fort Bonifacio at Kampo Aguinaldo.

“Why are these POGOs located near these strategic areas? It all boils down to our BCDA and that’s exactly what happened here,” saad ni Nograles.

Ang BCDA ay pinamumunuan ni Vince Dizon na kilalang malapit kay House Speaker Alan Peter Cayetano.

Nagsilbi dati si Dizon bilang chief political officer ni Cayetano sa Senado bago siya inatasang pamunuan ang BCDA.

Nababahala si Nog­rales sa mga nagsulputang Chinese POGO hub malapit sa mga base militar na nasa mga lugar sa ilalim ng pamamahala ni Dizon lalo pa at nakatanggap siya ng ulat mula sa Department of Defense ukol sa mga umano’y mga “military-aged men” na nakikitang pagala-gala sa loob ng mga nasabing pasilidad.

“I could quote one of our defense officials, there is presence of military-age personnel and that’s a cause for concern,” saad Nograles.

Inihalimbawa ni Nograles ang mga POGO hub sa itinayo sa West McKinley at McKinley Hill na ilang kilometro lamang ang layo mula sa mga punong tanggapan ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Marines.

“POGO hubs near military hubs, exam­ple Mckinley Hill in Taguig close to Army Headquarters and also Mckinley West,” saad ng kongresista.

“(They) should stay away from sensitive areas like AFP and our security-risk areas. We must be more sensitive to that.”

May mga POGO hub din umanong nagsulputan sa bandang Cubao, Eastwood-Libis at Ortigas na puro nakapalibot sa Camp Aguinaldo at Camp Crame, ang at kapareho din na pasilidad sa Resorts World Manila sa Lungsod Pasay na katapat lang mismo ng Villamor Airbase.

“It just so happens that these POGOs which are generally Chinese have been developing around areas which are sensitive to our national defense and it must be talked about, it must be part of the debate on whether or not we should allow continued development,” giit ni Nograles.

Sinikap ng Abante na hingan ng pahayag si Dizon subalit hindi ito makontak habang sinusulat ang balitang ito. (JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *