Bb. Pilipinas candidate pasado sa Bar exam

PINATUNAYAN ng isang candidate sa 2019 Binibining Pilipinas na ‘beauty with brains’ siya matapos na makapasa sa katatapos na 2019 bar exam.

The post Bb. Pilipinas candidate pasado sa Bar exam appeared first on Abante News Online.

bb pilipinas candidate pasado sa bar exam - Bb. Pilipinas candidate pasado sa Bar exam
Untitled 3 65 - Bb. Pilipinas candidate pasado sa Bar exam

PINATUNAYAN ng isang candidate sa 2019 Binibining Pilipinas na ‘beauty with brains’ siya matapos na makapasa sa katatapos na 2019 bar exam.

Napabilang sa 1,800 law graduate na pumasa sa 2018 bar examination si Bb. Pilipinas candidate Bea Patricia Magtanong.

Kinatawan ng Bataan si Magtanong at nakatakdang makipag-compete sa 39 pang ibang kandidato para sa Binibining Pilipinas 2019 title.

Ibinahagi sa Instagram account ni Magtanong ang magandang balita.

Nag-post ito ng lara­wan kasama ang kanyang ama na isa rin abogado at may nakasulat na “Atty. Magtanong and Atty. Magtanong!”

“Para sa aking pamil­ya, para sa Diyos at para sa bayan!” dagdag pa ni Magtanong.

Ang 25 na si Magtanong ay nagtapos sa University of the Philippines at may degree rin na Business Economics.

Ang coronation night para sa nilahukang patimpalak para sa Binibining Pilipinas 2019 ay gagawin sa Hunyo 9, 2019 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Bb. Pilipinas candidate pasado sa Bar exam appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *