Bayaw ng senador terror sa opis

MAY namamayaning gulo raw sa tanggapan ng isang miyembro ng Upper House courtesy ng bayaw ng senador.

bayaw ng senador terror sa opis - Bayaw ng senador terror sa opis
kartada11 3 - Bayaw ng senador terror sa opis

MAY namamayaning gulo raw sa tanggapan ng isang miyembro ng Upper House courtesy ng bayaw ng senador.

Eh paano ba naman kasi, gusto raw ni bayaw na kunin ang password ng Facebook account ng mga department head.

Suspetsa raw kasi ni bayaw, ayon sa natisod na info ni Mang Teban, pinagtatawanan siya sa FB ng mga department head.

Siyempre, hindi pumayag ang mga abogadong department head sa utos sa kanila ni bayaw.

Dahil nasupalpal sa kanyang trip, lalong nag-init itong si bayaw pero hindi naman makaresbak lalo pa’t mga abogado ang mga department head.

Pintahan niyo na. Ang senador na may terror na bayaw ay kilalang makunat at may letrang L sa kanyang pangalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *