Bayarin sa marso libre na — Manila Water

INANUNSYO ngayon ng east zone concessionaire Manila Water ang plano nilang bill waiver para sa mga kustomer na lubos na naapektuhan ng kasalukuyang water service interruption.

The post Bayarin sa marso libre na — Manila Water appeared first on Abante News Online.

bayarin sa marso libre na manila water - Bayarin sa marso libre na — Manila Water
manila 6 - Bayarin sa marso libre na — Manila Water

INANUNSYO ngayon ng east zone concessionaire Manila Water ang plano nilang bill waiver para sa mga kustomer na lubos na naapektuhan ng kasalukuyang water service interruption.

Ang waiver plan na ito ay alinsunod sa patuloy na hakbang na ginagawa ng kompanya upang maibalik sa normal na operasyon ang suplay ng tubig. Matapos makipagkonsulta sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ang bill waiver ay naaprubahan at inaasahang ipapatupad sa Abril para sa mga nakaranas ng kakulangan at kawalan ng tubig ngayong buwan ng Marso.

Ayon kay Ferdinand dela Cruz, presidente at chief executive officer ng Manila Water, ang hakbang na ito ay inaasahang makakabawas sa nararanasang abala ng mga konsyumer dulot ng water interruption. Ang kabuuang bill waiver ay nagkakahalaga ng P150 million. Ito ang unang pagkakataon na makakaranas ng discount ang mga taga-Metro Manila sa kanilang bayarin sa ­tubig.

Sa kasalukuyan, 97 porsiyento ng konsyumer na ang nakararanas ng mas mahabang oras ng suplay ng tubig kumpara noong nakaraang linggo, matapos ipatupad ang rotational supply scheme noong Marso 14.

Lahat ng mga ito ay bahagi ng hakbang ng kompanya upang maibalik sa normal ang tubig sa mas maagang panahon, dagdag ni Dela Cruz.

Kung maaalala, bago makuha ng Manila Water ang east zone noong 1997, nagkaroon ng matindi at samu’t saring problema sa sistema tulad ng 26 porsiyento lamang ng populasyon ng lugar ang may 24 na oras na suplay ng tubig. Ito ay dahil sa mga tagas mula sa mga lumang tubo, meter tampering at iligal na koneksyon na nagdulot din ng mataas na insidente ng kontaminasyon at mga sakit na nagmumula sa tubig.

Dahil sa Concession Agreement, ipinasa ng MWSS ang operasyon ng water utilities sa east zone sa Manila Water.

Simula 1997, ang mga residente sa east zone ay nakaranas ng pagbabago sa kanilang tubig at serbisyo sa wastewater dahil sa hakbang ng Manila Water para palaguin ang pagbaba­hagi ng linya at bawasan ang system losses.

Mula sa pagbabahagi lamang ng 440 milyong litro kada araw noong 1997, nabawi ng Manila Water ang water losses at dahilan ito upang maibahagi ang 1.3 bilyong litro ng tubig kada araw sa 6.8 milyon na mga residente.

Mula dito, halos 1.8 milyon na residente ga­ling sa mahihirap na komunidad ang nabigyan ng access sa malinis at abot-kayang tubig sa pamamagitan ng programa ng kompanya na Tubig Para Sa Barangay o Water for the Community.

The post Bayarin sa marso libre na — Manila Water appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *