Bayan sa NegOcc sinailalim sa state of calamity dahil sa dengue

KASUNOD ng pagtaas pa ng bilang ng nagkaka-dengue, isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Murcia sa Neg­ros Occidental.

bayan sa negocc sinailalim sa state of calamity dahil sa dengue - Bayan sa NegOcc sinailalim sa state of calamity dahil sa dengue
dengue - Bayan sa NegOcc sinailalim sa state of calamity dahil sa dengue

KASUNOD ng pagtaas pa ng bilang ng nagkaka-dengue, isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Murcia sa Neg­ros Occidental.

Ayon kay Provincial Health Office (PHO) head Dr. Ernell Tumimbang, nalagpasan na umano ng nasabing bayan ang epidemic threshold para sa mga kaso ng dengue.

Sa tala ng PHO ng Murcia, nagkaroon na ng 147 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hulyo 13, isa rito ang nasawi.

Mas mataas umano ito ng 360 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2018.

“Murcia is the first local government unit to declare a dengue outbreak in the province,” ani pa ni Tumimbang.

Naitala ang pinakamataas na kaso ng dengue sa Brgy. Minoyan ng nasabing bayan.

Sabi pa ni Tumimbang, nagpadala na ng monitoring team ang PHO para tulu­ngan ang Municipal Health Office sa pag­laban kontra sa mga lamok na nagdadala ng sakit.

Pinaalalahanan pa nito ang publiko na panatilihin ang kalinisan lalo na sa mga posibleng pamahayan ng mga lamok.

Sa buong lalawigan, umakyat na sa 4,230 ang kaso ng dengue. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *