Bayad sa online transaction suspendihin

Pinasususpinde nina Senador Sonny Angara at Senador Francis Pangilinan ang pagkolekta ng online transaction fee sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

The post Bayad sa online transaction suspendihin first appeared on Abante.

bayad sa online transaction suspendihin - Bayad sa online transaction suspendihin
abante online bayad - Bayad sa online transaction suspendihin

Pinasususpinde nina Senador Sonny Angara at Senador Francis Pangilinan ang pagkolekta ng online transaction fee sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa magkahiwalay ng pahayag, nanawagan ang dalawang senador para sa pagpapalawig ng waiver sa bayad sa mga transaksiyon sa bangko at mobile payment services.

“Right now every family is penny-pinching due to the impacts of the COVID-19 pandemic so every peso saved goes a long way,” ayon kay Angara, chair ng Senate finance committee.

“We appeal to our banks and financial institutions to suspend their collection of fees for digital transactions during this very challenging time,” dagdag pa nito.

Nakatakdang mangolekta ang mga bangko at mobile money services ng fee simula sa Huwebes, Oktubre 1. Ang iba naman ay ipinagpaliban ang pangongolekta nito hanggang sa katapusan ng taon.

Sa simula, boluntaryong nag-waive na ang ilang mga bangko sa online transaction fee subalit kinaklaunan ay hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga ito na i-waive ang bayad para mahikayat ang publiko na gumamit ng online banking para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Hinikayat naman ni Pangilinan ang BSP na suspendihin o tanggalin na ang online transaction fees sa panahon ng health emergency. (Dindo Matining)

The post Bayad sa online transaction suspendihin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *