Bawas distansiya na rin sa barko

Nagpalabas ng mga bagong patakaran ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa mga pampasaherong barko kasunod ng pagluwag ng agwat sa social distancing sa lahat ng uri ng pampublikong transportasyon.

The post Bawas distansiya na rin sa barko first appeared on Abante.

bawas distansiya na rin sa barko - Bawas distansiya na rin sa barko
barko - Bawas distansiya na rin sa barko

Nagpalabas ng mga bagong patakaran ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa mga pampasaherong barko kasunod ng pagluwag ng agwat sa social distancing sa lahat ng uri ng pampublikong transportasyon.

Sa ilalim ng advisory No. 69, ipatutupad ang magkakaibang distansyang dapat sundin ng mga pasahero sa barko depende sa antas ng community quarantine sa lugar ng kanilang byahe.

Simula noong Lunes, ipinatupad na ang 0.75 metro sa social distancing sa mga barkong may 75 percent na passenger maximum capacity sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Sa Setyembre 28, ipatutupad naman sa mga barkong may 85 percent passenger capacity ang 0.5 metrong social distancing sa mga nagbibiyahe sa pagitan ng mga lugar na nasa ilalim.ng GCQ at modified general community quarantine (MGCQ).

Sa Oktubre 12, papayagan naman ang 0.3 metrong social distancing sa mga passenger ship na may 90 percent maximum capacity at ruta sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ . (Mia Billones)

The post Bawas distansiya na rin sa barko first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *