Bawal plastik sa Batang Pinoy – Bitog

IUWI ang pinakamahalagang titulo at medalya bilang isang national champion ang paglalabanan ng mahigit na 5,000 batang atleta sa buong bansa sa muling paghaharap-harap sa pinakamaigting na huling yugto ng inoorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) na national youth sporting event sa 15-anyos pababa na Batang Pinoy.

The post Bawal plastik sa Batang Pinoy – Bitog appeared first on Abante News Online.

bawal plastik sa batang pinoy bitog - Bawal plastik sa Batang Pinoy – Bitog
ABANTE batang  - Bawal plastik sa Batang Pinoy – Bitog

IUWI ang pinakamahalagang titulo at medalya bilang isang national champion ang paglalabanan ng mahigit na 5,000 batang atleta sa buong bansa sa muling paghaharap-harap sa pinakamaigting na huling yugto ng inoorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) na national youth sporting event sa 15-anyos pababa na Batang Pinoy.

Isasantabi ng mga kabataan ang kanilang unang napagwagiang medalya sa kanilang rehiyon sa muling pagsabak nito sa multi-sports na torneo na tampok ang 26 regular sports na pinaglabanan sa qualifying leg at limang dagdag sa national championships sa pagtungo sa Puerto Princesa City, Palawan.

Sinabi ni Batang Pinoy Secretariat head Manuel Bitog na pinakamahuhusay na batang atleta ang bubuo sa 5,000 kalahok matapos ang serye ng kanilang isinagawang Delegation Registration Meetings sa Mindanao, Visayas, South Luzon at North Luzon simula nitong buwan ng Hulyo.

“We are looking at more than 5,000 athlete-participants in Palawan. Our series of delegation registration meetings since the start of July has helped the PSC to clearly determine the number and profile of competing athletes in the games,” sabi ni Bitog.

Sinimulan ng PSC ang DRM sa Minda­nao noong Hulyo 3 -5 sa Pinnacle Hotel, Davao City, bago ang Visayas noong Hulyo 10 -12 sa Cebu City Sports Complex. Ang South Luzon na ikatlong pagpupulong ay noong Hulyo 17-19 sa Lipa City Youth & Cultural Center at ang North Luzon noong Hulyo 24 -26 sa Provincial Employment & Skills Development Center (PESDC) sa Narciso Ramos Sports & Civic Center sa Lingayen, Pangasinan.

Inihayag din ni Bitog ang istriktong pag-iimplementa ng ahensiya sa ‘Zero Plastic Policy’ sa pagsasagawa ng buong torneo base sa pag-uutos ng Presidential Proclamation No. 760 of 2014 at ang Republic Act 9003 na mas kilala bilang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000.”

Ang national championships ay gaganapin sa Puerto Prinsesa, Palawan simula Agosto 25 hanggang 31 tampok ang kabuuang 31 sports na kung saan ang cycling, gymnastics, judo, billiards, muay thai, rugby football, triathlon, soft tennis, weightlifting, wrestling at wushu ay diretsong gaganapin ang kampeonato. (Lito Oredo)

The post Bawal plastik sa Batang Pinoy – Bitog appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *