Bawal magmura, mamahiya sa maniningil ng utang — SEC

BAWAL pagmumurahin at insultuhin ng mga financing at lending company ang mga taong hindi nagbabayad ng utang.

bawal magmura mamahiya sa maniningil ng utang sec - Bawal magmura, mamahiya sa maniningil ng utang — SEC
ABANTE lending - Bawal magmura, mamahiya sa maniningil ng utang — SEC

BAWAL pagmumurahin at insultuhin ng mga financing at lending company ang mga taong hindi nagbabayad ng utang.

Isa ito sa mga tinuturing ng Securities and Exchange Commission na unfair collection practice ng mga financing company, lending company, pati na ang third party service provider na kinuha nila para maningil sa kanila sa ilalim ng SEC Memorandum Circular No. 18 na pinirmahan noong Agosto 19, 2019 at magiging epektibo na sa susunod na buwan.

Ayon sa patakaran ng SEC, bawal ang pisikal na manakit ng mga taong hindi nagbabayad ng utang o manira ng kanilang reputasyon at ari-arian pati na ang pananakot ng mga bagay na hindi ligal.

Ipagbabawal din ang paglalathala ng mga pangalan ng mga hindi nagbabayad ng utang pati na ng kanilang personal information maliban na lang kung may pinirmahan itong waiver dito at bawal magkalat ng kasinu­ngalingan tungkol sa loan information ng isang tao at hindi pagsabi na kino-contest pa ito.

Bawal din manloko para lang makakolekta ng utang na hindi binabayaran o kumuha ng impormasyon tungkol sa nangungutang at bawal din tumawag ng dis-oras tulad ng mula lampas alas-10:00 nang gabi hanggang alas-sais nang umaga para lamang mangolekta ng utang maliban na lang kung sabihin ng borrower na okay lang ito sakaling sila ay mga call center agent.

Sakaling i-outsource ang pango­ngolekta sa third party, sinabi ng SEC na sagutin pa rin ng mga financing at lending company ang mga gagawin nito at sila ang mananagot sa SEC sakaling may maling gawin ang outsourced na ahensiya.

Kailangang sabihin din ang panga­lan ng staff sa kanyang sinisingil ng utang at kailangang magtayo ng customer service department ang mga financing at lending company para sumagot sa mga katanungan ng kanilang mga borrower.

Ang multa sa paglabag ng SEC Memorandum Circular NO. 18 ay P25,000 sa lending company at P50,000 sa financing company para sa first offense.

Dodoble ang multa para sa second offense. At sa third offense, depende sa lala ng pagkakalabag, maaring pagmultahin sila ng P1 milyon o suspendihin ang kanilang pagpapautang sa loob ng 60 araw o bawiin ang kanilang lisensiya para mag-operate bilang financing o lending­ company.

Sabi ng SEC, inilabas nito ang patakaran dahil sa dami ng reklamong nakukuha nito tungkol sa mga financing at lending company at alam ng komisyon na sadyang ina-outsource ng mga ito ang pangongolekta para makalusot sa ano mang kasong isasampa ng hinarass na borrower. ­(Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *