Bato tinapat kay Dick para ikasa death penalty

Nagbitiw si Senador Sherwin Gachalian bilang miyembro ng Senate committee on justice and human rights para bigyang daan ang pag-upo ni Senador Ronald `Bato’ Dela Rosa na isa rin sa masigasig na nagsusulong para ibalik ang death penalty sa bansa.

bato tinapat kay dick para ikasa death penalty - Bato tinapat kay Dick para ikasa death penalty
bato 3 - Bato tinapat kay Dick para ikasa death penalty

Nagbitiw si Senador Sherwin Gachalian bilang miyembro ng Senate committee on justice and human rights para bigyang daan ang pag-upo ni Senador Ronald `Bato’ Dela Rosa na isa rin sa masigasig na nagsusulong para ibalik ang death penalty sa bansa.

“I can see Senator Dela Rosa’s passion on tackling death penalty so to give him the opportunity to participate in the deliberations of the committee as well as to vote in the committee, I relinquished my membership in the Justice Committee,” ani Gatchalian.

Isa si Gatchalian sa naghain ng panukala sa Senado para ibalik ang parusang kamatayan subalit sa kanyang bersiyon, nais lang niya itong gawin sa mga drug lord.

May 10 pro-death penalty bill ang nakabinbin ngayon sa Senate committee on justice and human rights na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon, na isang anti-death penalty proponent.

Bagama’t nasa gitna ng pandemya, iginiit ni Gatchalian na mainam na talakayin na rin ito para makapagprisenta na rin ng mga argumento ang mga pabor at kontra sa panukalang ito. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *