Bato may misyon sa Senado

MAY misyon sa Senado si dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa kaya’t pinili nitong tumakbo sa pagka-senador sa halalan ngayong Mayo 13.

The post Bato may misyon sa Senado appeared first on Abante News Online.

bato may misyon sa senado - Bato may misyon sa Senado
ABANTE bato 1 - Bato may misyon sa Senado

MAY misyon sa Senado si dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa kaya’t pinili nitong tumakbo sa pagka-senador sa halalan ngayong Mayo 13.

Binanggit ni Dela Rosa na noong nanilbihan siyang PNP chief, nagawa niyang baguhin ang imahe ng pulisya kaya’t nagbalik ang tiwala ng mamamayan.

Aniya, ito ang pinakamalaking accomplishment niya sa public service kaya’t kung papalaring manalo sa halalan ay mahigitan sana niya ang nagawa sa PNP.
“Ang kino-konsider ko lang na greatest accomplishment in my life and in my career is iyong… I was able to bring back the PNP closer to the people,” saad ni Dela Rosa.

Binanggit pa nito na ang kailangan niya ang tulong ng mamamayan sa panibagong kabanata ng kanyang serbisyo publiko.

“Nagtapos ang isang kabanata ng buhay ko na punong-puno ng magagandang pangyayari at ito’y nagbukas sa panibagong hamon. Sa Mayo 13, samahan niyo po akong buksan ang panibagong kabanata ng serbisyo para sa taumbayan!” ani ni Dela Rosa.

The post Bato may misyon sa Senado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *