Bato game paturok kahit iligal bakuna

Kung may mag-aalok, nakahanda si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na magpaturok ng COVID-19 vaccine kahit na hindi pa ito aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

The post Bato game paturok kahit iligal bakuna first appeared on Abante.

bato game paturok kahit iligal bakuna - Bato game paturok kahit iligal bakuna
abante bato - Bato game paturok kahit iligal bakuna

Kung may mag-aalok, nakahanda si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na magpaturok ng COVID-19 vaccine kahit na hindi pa ito aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

“FDA-approved or hindi, buhay ko ito. Wala akong pakialam diyan sa FDA, kung approved nila o hindi ‘yan basta buhay ko ang nakasalalay, I have to decide,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam sa Teleradyo.

Aniya, papaya lang siya kung ang bakuna laban sa COVID-19 ay naaprubahan na sa ibang bansa, kagaya ng sa China o Europe.

“Halimbawa, approved na sa China, hind pa approved dito sa FDA natin, so kung approved na sa China, may sariling FDA yung sa China. Ang pag-approve ng FDA natin dito is more on formality na lang yan,” sabi ni Dela Rosa.

Gayunpaman, iginiit ni Dela Rosa na mas gugutuhin niyang magpaturok doon sa bakuna na mataas ang efficacy rate. (Dindo Matining)

The post Bato game paturok kahit iligal bakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *