Bato, Doc Willie, Bong Go patok sa mga OFW

ANG isa sa pambato ni Pangulong Rodrigo Duterte na si dating Philippine National Police (PNP) chief ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa mga overseas absentee voter (OAV).

The post Bato, Doc Willie, Bong Go patok sa mga OFW appeared first on Abante News Online.

bato doc willie bong go patok sa mga ofw - Bato, Doc Willie, Bong Go patok sa mga OFW
senador - Bato, Doc Willie, Bong Go patok sa mga OFW

ANG isa sa pambato ni Pangulong Rodrigo Duterte na si dating Philippine National Police (PNP) chief ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa mga overseas absentee voter (OAV).

Ayon sa partial at unofficial tally ng Parish­ Pastoral Council of Responsible Voting’s (PPCRV) ganap na ala-1:01 nang tanghali kahapon, nakakuha si Bato ng 124,361 overseas vote.

Sumunod sa kanya sina social media pheno­menon Doc Willie Ong na tumatakbo sa ilalim ng Lakas–Christian Muslim Democrats (LAKAS CMD) na nakatanggap ng 120,600 overseas vote at da­ting Presidential aide Christopher ‘Bong’ Go na nakakopo naman ng 119,990 overseas vote.

Pasok din sa Magic 12 para sa mga botateng migrant worker sina Imee Marcos – 118,100 vote; Pia Cayetano – 106,567 vote; Cynthia Villar – 97,034 vote; Francis Tolentino – 84,927 vote ; Glenn Chong – 78,970 vote; Sonny Angara – 68,064 vote; Larry Gadon – 67,438 vote; Koko Pimentel – 55,444 vote; at Grace Poe – 55,275 vote.

Samantala, hindi naman nakikita sa data mula sa PPCRV transparency server ang porsiyen­to ng mga nabilang ng boto mula sa OAV. (Mia ­Billones)

The post Bato, Doc Willie, Bong Go patok sa mga OFW appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *