Bato ‘di magpapaiyak sa Senate hearing

Wala umanong plano si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na pumapel at magpaiyak ng mga resource person sa mga pagdinig sa Senado.

The post Bato ‘di magpapaiyak sa Senate hearing appeared first on Abante News Online.

bato di magpapaiyak sa senate hearing - Bato ‘di magpapaiyak sa Senate hearing
ABANTE bato 2 - Bato ‘di magpapaiyak sa Senate hearing

Wala umanong plano si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na pumapel at magpaiyak ng mga resource person sa mga pagdinig sa Senado.

“Yung para mag-hea-ring hearing, para mag-epal epal lang, pakita mo sa tao na naghi-hearing hearing siya, I will not do that. Kung may issue, kailangan aksyunan natin agad,” pahayag ni Dela Rosa sa Kapihan sa Senado kahapon.

Ginarantiyahan din ng bagitong senador na igagalang niya ang lahat ng testigo at hindi paiiyakin ang mga ito tulad ng ginawa sa kanya noong dumalo siya sa pagdinig sa Senado, ilan taon na ang nakakaraan.

“Yung paiyakin ka sa sama ng loob dahil nga porke sila ang senador dito, sila ang may contained power, pasiga siga ka diyan, resource person ka lang ico-contempt kita. ‘Yung mga ganon, I will never do that,” sambit pa ni Dela Rosa.

Ayon sa dating Bureau of Correction chief, irerespeto niya ang lahat ng iimbitahang resource person sa Senado, ordinaryong mamamayan man ito o opisyal ng gobyerno.

“I will respect resource persons whenever they are invited during hea-rings. Pero kung sakaling salbahe yung resource person then we have to, dapat i-treat din as ganon,” sabi pa Dela Rosa. (Dindo Matining)

The post Bato ‘di magpapaiyak sa Senate hearing appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *