Batas para sa mga OFW isusulong ni Bato

TULOY-TULOY pa rin ang pangangampanya ni senatorial candidate Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

The post Batas para sa mga OFW isusulong ni Bato appeared first on Abante News Online.

batas para sa mga ofw isusulong ni bato - Batas para sa mga OFW isusulong ni Bato
abante Bato - Batas para sa mga OFW isusulong ni Bato

TULOY-TULOY pa rin ang pangangampanya ni senatorial candidate Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Labis ang suportang pinakita ng mga taga-Makati kay Bato sa naganap na campaign sortie noong Marso 29.

“Nakakataba ng puso, maraming salamat sa suporta, Makati!” saad ni Bato sa kanyang Facebook post.

Pinahayag din ni Bato sa social media ang pagnanais na tulungan ang mga OFW.

Saad niya sa post sa Facebook page na Daily Bato, “Gusto ko talaga yung mga OFW natin, lalong lalo na yung mga distress abroad, yung mga nakakulong dahil napilitan lumaban dahil inabuso ng kanilang mga amo o yung mga biktima ng human trafficking, nakita ko eh nung nagpunta ako sa middle East kawawang-kawawa talaga.

“So sabi ko kung ako’y mananalo gagawa talaga ako ng batas na ma­bigyan ng adequate na legal assistance para mapabilis yung kaso niyo para makauwi na kayo dahil kawawa naman yung pamilya niyo dun sa Pilipinas,” dagdag pa nito. (Jobelle Macayan)

The post Batas para sa mga OFW isusulong ni Bato appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *