Batangas sinailalim sa state of calamity

Dahil sa nangyaring pagsabog ng Bulkang Taal, sinailalim na sa state of Calamity ang buong lalawigan ng Batangas.

batangas sinailalim sa state of calamity - Batangas sinailalim sa state of calamity
ABANTE Batangas - Batangas sinailalim sa state of calamity

Dahil sa nangyaring pagsabog ng Bulkang Taal, sinailalim na sa state of Calamity ang buong lalawigan ng Batangas.

Nagsagawa ng ­special session ang Sangguniang ­Panlalawigan at pasado ala-1:30 ng hapon nang ideklara ang state of calamity sa probinsya.

Ito’y upang ma­ga­mit ang calamity fund ng lalawigan para sa mga kinakailangan pang tulong ng libu-libong mga evacuee na naapektuhan nang pagsabog.

Samantala, kaagad ding kumilos ang mga kalapit probinsya ng Batangas at ­nagpadala na ng mga tulong.

Nagpadala ng 7-man­ team at dalawang rescue vehicle ang lalawigan ng Quezon mula sa kanilang Disaster Risk Reduction and Management Council para tumulong sa rescue operation at mass evacuation.

Maging ang lalawigan ng Laguna ay nagpadala na rin ng kanilang mga rescue team sa mga apektadong lugar sa Batangas.

Patuloy pa ang isinasagawang rescue ope­ration sa mga natitira pang residente sa mga pinaka ­apektadong lugar partikular ang mga bayan ng ­Agoncillo, Laurel, Talisay at San Nicolas.

Samantala, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (­Phivolcs), ­naglabas nagkaroon ng lava fountain ang bulkan simula alas-3:20 hanggang alas-4:30 ng madaling-araw kahapon. (Ronilo
Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *