Batang vendor isinoli ang napulot na P130K ng Chinese sa Kalibo airport

Ginantimpalaan ang isang 14-anyos na lalaking vendor matapos na isoli ang napulot na pouch na naglalaman ng P130,000 sa restroom sa Kalibo International Airport nitong Miyerkoles, Hulyo 3 taong kasalukuyan.

The post Batang vendor isinoli ang napulot na P130K ng Chinese sa Kalibo airport appeared first on Abante News Online.

batang vendor isinoli ang napulot na p130k ng chinese sa kalibo airport - Batang vendor isinoli ang napulot na P130K ng Chinese sa Kalibo airport
ABANTE kalibo - Batang vendor isinoli ang napulot na P130K ng Chinese sa Kalibo airport

Ginantimpalaan ang isang 14-anyos na lalaking vendor matapos na isoli ang napulot na pouch na naglalaman ng P130,000 sa restroom sa Kalibo International Airport nitong Miyerkoles, Hulyo 3 taong kasalukuyan.

Ayon sa batang vendor na kinilalang si LJ Alejandro, nagtungo siya sa panlalaking comfort room sa nasabing paliparan nang makita niya ang isang itim na pouch na may mga ID na pag-aari ng isang Yine Hong isang Chinese national.

Nang sipatin ang laman ay tumambad ang bungkos-bungkos na pera na nagkakahalaga ng P130,000.

Nagtungo sa tindahan ang bata at ikinwento ang pagkakapulot sa nasabing halaga. Kasunod nito ay nagsadya na sila sa Kalibo Airport Police Station at isinurender ang napulot na pouch.

Agad namang na-balik sa may-ari ang nawalang pouch bag matapos na iturn-over ng kagawad ng pulisya.

Labis ang pasasa-lamat ng Chinese national kay LJ at binigyan ng hindi na tinukoy na halaga ng pera bago ito bumalik ng China.

The post Batang vendor isinoli ang napulot na P130K ng Chinese sa Kalibo airport appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *