Batanes local port nakatiwangwang lang

Nanghihinayang ang Commission on Audit (COA) sa pondong ginastos para sa pagpapatayo ng Multi-Purpose Building Shelter Port sa Batanes na may tatlong taon na ngayong hindi naga­gamit.

The post Batanes local port nakatiwangwang lang appeared first on Abante News Online.

batanes local port nakatiwangwang lang - Batanes local port nakatiwangwang lang
Batanes port - Batanes local port nakatiwangwang lang

Nanghihinayang ang Commission on Audit (COA) sa pondong ginastos para sa pagpapatayo ng Multi-Purpose Building Shelter Port sa Batanes na may tatlong taon na ngayong hindi naga­gamit.

Batay sa provincial record, natapos ang port noong Disyembre 2015 pero napag-alaman sa pag-iimbestiga ng mga state auditor na hindi naman ito ginagamit kung kaya’t walang pumapasok na kita sa lalawigan ng Batanes mula sa nasabing proyekto.

Ang Multi-Purpose Building Shelter Port ay ekstensiyon ng Mahatao All Weather Fish Port na proyekto ng dating gobernador.

Ayon sa COA, makalipas ang tatlong taon na hindi naga­gamit ang port ay nagkaroon na ito ng mga pinsala na aabot ng mahigit­ kalahating mil­yon o P575,000 ang gagastusin kapag kinumpuni ito.

May mga pribadong indibidwal naman umano na nagpakita ng interes na rentahan ang nasa­bing port pero kinakailangang ipaa­yos muna ito ng pamahalaang lokal.

Nangako naman ang pamahalaang lokal ng Batanes na kanilang ipapaayos ang Multi-Purpose Building­ Shelter Port para magamit ito. (Yves Briones)

The post Batanes local port nakatiwangwang lang appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *