‘Bata’ ng ex-PNP chief nangikil, huli!

Nakorner ang isang lalaki na nagpakilalang emisaryo ng dating pinuno ng Philippine National Police dahil sa pangingikil nitong Martes ng gabi sa isang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI).

The post ‘Bata’ ng ex-PNP chief nangikil, huli! first appeared on Abante.

bata ng ex pnp chief nangikil huli - ‘Bata’ ng ex-PNP chief nangikil, huli!
abante ex pnp - ‘Bata’ ng ex-PNP chief nangikil, huli!

Nakorner ang isang lalaki na nagpakilalang emisaryo ng dating pinuno ng Philippine National Police dahil sa pangingikil nitong Martes ng gabi sa isang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI).

Inireport ni dating PNP chief Camilo Cascolan ang suspek na si Louie Musni Miranda sa NBI para madakip ito matapos isuplong ng isang broker sa Bureau of Customs (BOC) ang modus nito gamit ang retiradong hepe ng PNP.

Pinapakilala umano ni Miranda si Cascolan na susunod na commissioner ng BOC at ihinihingi ng kontrobersiyal na ‘pasalubong’ mula sa mga broker.

Ang ‘pasalubong’ ay nauso sa mga bagong upong opisyal ng BOC.

Ilang ID rin ang pinakita ni Miranda na siya umano ay may katungkulan sa Department of Justice.

Si Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrerro ang kasalukuyang pinuno ng BOC.(Nancy Carvajal)

The post ‘Bata’ ng ex-PNP chief nangikil, huli! first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *