Bata na biktima ng rape itinapon sa tubuhan

Patay na nang matagpuan ang isang 10 taong gulang na babae sa isang plantasyon ng tubo sa Murcia, Negros Occidental Miyerkoles ng gabi.

bata na biktima ng rape itinapon sa tubuhan - Bata na biktima ng rape itinapon sa tubuhan
raped 1 - Bata na biktima ng rape itinapon sa tubuhan

Patay na nang matagpuan ang isang 10 taong gulang na babae sa isang plantasyon ng tubo sa Murcia, Negros Occidental Miyerkoles ng gabi.

Batay sa report ng Murcia Municipal Station, hinihinalang ginahasa ang biktima na nakilalang si Kim, residente ng Barangay San Miguel, matapos matagpuan bandang 9:00 Miyerkoles ng gabi na walang saplot pang-ibaba at iniwan sa tubuhang bahagi ng plantasyon.

Base sa imbestigasyon, bandang hapon ay inutusan ang bata na bumili sa tindahan sa Purok Silhigan at mula noon ay hindi na bumalik pa ang biktima kaya kinabukasan ay hinanap na ito.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy kung sino ang suspek sa panghahalay sa bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *