Basura ng Canada mula ‘Pinas parating na ng Vancouver

MATAPOS ang isang buwan na biyahe, parating na sa Vancouver ang cargo vessel na naglalaman ng mga basura mula sa Canada na binalik ng Pilipinas.

The post Basura ng Canada mula ‘Pinas parating na ng Vancouver appeared first on Abante News Online.

basura ng canada mula pinas parating na ng vancouver - Basura ng Canada mula ‘Pinas parating na ng Vancouver
Abante Basura1 - Basura ng Canada mula ‘Pinas parating na ng Vancouver

MATAPOS ang isang buwan na biyahe, parating na sa Vancouver ang cargo vessel na naglalaman ng mga basura mula sa Canada na binalik ng Pilipinas.

Matatandaang umalis sa pantalan ng Subic, Zambales ang barko na naglalaman ng 69 container ng basura noong Mayo 31.

Ipinabalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga basura kung saan nagbanta pa ito ng giyera sa Canada kung hindi ibabalik ang mga ito.

Kabilang sa naging hakbang ng gobyerno ay ang pag-recall ng ambassador at consul matapos pumalya ang Canada sa itinakdang deadline ng gobyerno noong Mayo 15.

Umaabot sa 103 container na nag­lalaman ng basura mula Canada ang dumating sa Pilipinas mula 2013 hanggang 2014.

Idineklara itong recyclable scrap pero natuklasang naglalaman ito ng mga plastic bottle at bag, dyaryo, adult diaper at iba pa.

Tinatayang 26 container ng basura ang ibinaon na sa Tarlac landfill.

The post Basura ng Canada mula ‘Pinas parating na ng Vancouver appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *