Basura kapalit ng pera nilunsad ng DENR

Nagsagawa ng Palit Basura booth sa Ecotech Center, Sudlon, Lahug, Cebu City ang Department of Environment and Natural Resources in Central Visayas (DENR-7) kahapon para sa pagsusulong ng tamang pag-recycle at pagtatapon ng basura.

The post Basura kapalit ng pera nilunsad ng DENR appeared first on Abante News Online.

basura kapalit ng pera nilunsad ng denr - Basura kapalit ng pera nilunsad ng DENR
waste 5 - Basura kapalit ng pera nilunsad ng DENR

Nagsagawa ng Palit Basura booth sa Ecotech Center, Sudlon, Lahug, Cebu City ang Department of Environment and Natural Resources in Central Visayas (DENR-7) kahapon para sa pagsusulong ng tamang pag-recycle at pagtatapon ng basura.

“Garbage such as paper, plastics, electronic wastes and other recyclables will be swapped for cash and DENR collaterals such as reusable water bottles and metal straws,” ayon sa Facebook post ng ahensya.

Tinanggap ng ahensya ang mga basura na maaari pang ma-recycle tulad ng papel, plastic at electronic waste.

Bukod sa pera, posible rin umanong maging kapalit ang mga bote na pwedeng lagyan ng tubig at metal straw na maaaring gamitin kapalit ng mga karaniwang ginagamit na plastic straw.

Isinagawa ang aktibidad para sa pagsusulong ng paggamit ng iba pang alternatibo buko sa single-use plastic.

Natuwa naman ang mga netizen sa naging aktibidad at hiniling na maipagpatuloy pa ang ganitong uri ng aktibidad.

The post Basura kapalit ng pera nilunsad ng DENR appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *