Bastos na pulis-San Juan sinibak

Bastos na pulis-San Juan sinibak

Sinibak sa puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Maj. General Guillermo Eleazar ang isang aroganteng pulis na nag-viral sa social media na nakitang sinisigawan, minumura at pinagbantaan ang isang 21-anyos na call center agent sa isang tinadahan sa San Juan City kamakalawa nang gabi.

The post Bastos na pulis-San Juan sinibak appeared first on Abante News Online.

bastos na pulis san juan sinibak - Bastos na pulis-San Juan sinibak
pulis 5 - Bastos na pulis-San Juan sinibak

Nag-viral sa pagmumura:

Sinibak sa puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Maj. General Guillermo Eleazar ang isang aroganteng pulis na nag-viral sa social media na nakitang sinisigawan, minumura at pinagbantaan ang isang 21-anyos na call center agent sa isang tinadahan sa San Juan City kamakalawa nang gabi.

Ipinag-utos na ni Eleazar kay Eastern Police District (EPD) Director Brig. General Nicolas Bathan ang pagsibak kay P/SMS. Arnulfo Ardales, na nakatalaga sa San Juan City.

Sa ngayon ay nasa District Headquarters Service Unit ng EPD ang pulis na si Ardales habang iniimbestigahan ang kanyang kaso.

Ayon kay Eleazar, nag-ugat ang ginawang pagsibak sa nasabing pulis sa reklamo ng biktimang si Aaron Estrada, 21, call center agent, residente ng Brgy. Ermitano ng nasabing lungsod.

Base sa reklamo ng biktima na naganap ang insidente dakong alas-11:00 kamakalawa nang gabi sa isang sari-sari store kung saan pinagsisigawan siya, minura at pinagbantaan pa ni Ardales habang bumibili ito sa tindahan.

Lingid sa kaalaman ng pulis ay nakuhanan ng video ang ginawa nito sa biktima na agad ini-upload sa social media na mabilis namang nag-viral.(Edwin Balasa)

The post Bastos na pulis-San Juan sinibak appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *