Bastos module may basbas ng Catholic school –Malacanang

Idiniin ng Malacañang ang mga Katolikong eskuwelahan ang gumawa ng learning module na naglalaman ng mga bastos na pangalang pinag-aaralan ng mga estudyante sa ilang catholic school.

The post Bastos module may basbas ng Catholic school –Malacanang first appeared on Abante.

bastos module may basbas ng catholic school malacanang - Bastos module may basbas ng Catholic school –Malacanang
harry 6 - Bastos module may basbas ng Catholic school –Malacanang

Idiniin ng Malacañang ang mga Katolikong eskuwelahan ang gumawa ng learning module na naglalaman ng mga bastos na pangalang pinag-aaralan ng mga estudyante sa ilang catholic school.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi ang Department of Education (DepEd)ang gumawa sa module kundi ang mga katolikong eskuwelahan kaya dapat ang mga ito ang tanungin hinggil dito.

Dapat din aniyang tanungin ang Arsobispo kung bakit inaprubahan ang module na ginagamit ngayon ng mga estudyante sa mga Katolikong paaralan.

“Di po ginagamit ng DepEd ‘yan. Iyan ay ginawa ng mga katolikong eskuwelahan na aprubado pa ng diocese so pakitanong po ang arsobispo bakit nila in-approve yan,” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na hindi gagamitin ng DepEd ang module na ginagamit ngayon sa ilang pribadong paaralang pinapatakbo ng Katolikong simbahan.

“Di po ‘yan for use ng DepEd,” dagdag ni Roque.

Ang module na may mga pangalang bastos ay lumutang sa budget hearing ng DepEd matapos magpahayag ng pagkabahala ang isang senador dahil sa mga pangalang ginamit sa module gaya ng “Pining Garcia”; ” Abdul Salsalani”; ” Malou Wang”; at “Tina Moran”.

Nauna rito ay nag-sorry ang asosasyon ng Catholic school sa Zambales kung saan natagpuan ang malaswang module.

Paliwanag ng superintendent ng Association of Catholic Schools sa Iba, Zambales binawi na ang mga module at may ipinalit na.

Itinuro ng asosasyon ang mga school coordinator at principal ang taga-proofread ng mga nilalaman ng module.(Aileen Taliping)

The post Bastos module may basbas ng Catholic school –Malacanang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *