Basag na itlog delikado sa kalusugan — DOH

Basag na itlog delikado sa kalusugan — DOH

PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagbili at pagkain ng basag na itlog dahil sa posibilidad na kontaminado ito ng bakterya at makakasama sa kalusugan.

The post Basag na itlog delikado sa kalusugan — DOH appeared first on Abante News Online.

basag na itlog delikado sa kalusugan doh - Basag na itlog delikado sa kalusugan — DOH
egg 1 - Basag na itlog delikado sa kalusugan — DOH

PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagbili at pagkain ng basag na itlog dahil sa posibilidad na kontaminado ito ng bakterya at makakasama sa kalusugan.

Sinabi ni DOH Spokesperson Eric Domingo, kapag nabasag o nagkaroon ng lamat ang itlog ay maaari itong pasukin ng bakterya gaya ng salmonella at staphylococcus na isa sa mga pangunahing sanhi ng food poisoning.

“Once ito ay mabiyak, may posibilidad na pumasok ‘yung mikrobyo katulad ng salmonella at staphylococcus. Ito ay most common cause ng food poisoning,”­ ayon kay Domingo.

Sa kabila na maaari namang mamatay ang mikrobyo sa pamamagitan ng pagluluto sa itlog ay maaari rin naman aniya manatili ang toxin nito, lalo na kung malasado ang pagkakaluto.

Ayon kay Domingo, kapag nakain ang mga naturang toxin na napo-produce sa itlog ay maaari itong makairita sa internal system ng tao at nagreresulta sa pagsusuka at diarrhea.

Gayunman, aminado ang DOH na mas marami pa ring tao ang nais bumili ng basag na itlog dahil mas mura ito ng hanggang P3 kumpara sa buong itlog.

Inihayag ito ng DOH matapos ang nangyari sa 261 loyalista ng pamilya Marcos na nalason sa kinain nilang adobong manok na may malasadong itlog, sa selebrasyon ng ika-90 taong kaara­wan ni dating Unang Ginang Imelda Marcos noong Hulyo 3 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Basag na itlog delikado sa kalusugan — DOH appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *