Barrier itataas! NLEX-MVP tiklop kay Gatchalian

Tiklop ang NLEX Corp. ni Manny V. Pangilinan at susundin ang mungkahi ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na hayaang nakataas ang barriers sa mga toll plaza kapag rush hour para hindi masyadong mag-traffic.

The post Barrier itataas! NLEX-MVP tiklop kay Gatchalian first appeared on Abante.

barrier itataas nlex mvp tiklop kay gatchalian - Barrier itataas! NLEX-MVP tiklop kay Gatchalian
abante nlex 1 - Barrier itataas! NLEX-MVP tiklop kay Gatchalian

Tiklop ang NLEX Corp. ni Manny V. Pangilinan at susundin ang mungkahi ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na hayaang nakataas ang barriers sa mga toll plaza kapag rush hour para hindi masyadong mag-traffic.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ng kompanya na “NLEX also offered to implement ‘barrier up’ operations in all Valenzuela City toll gates.”

Nang nagpulong si Gatchalian at ang NLEX nung Lunes, nakasuot si Gatchalian ng statement shirt na may nakatatak na “#BarriersUp” para idiin ang kanyang panawagang itaas ang barriers sa mga toll plaza para hindi kumapal ang traffic.

Pinuna ni Gatchalian ang kaibihan ng pamamalakad ng NLEX sa SLEX/Skyway ng San Miguel Corp. kung saan mas mabilis ang takbo ng mga sasakyan sa mga toll plaza.

Depende sa oras, tinataas din ng SLEX/Skyway ang mga barriers nito para mas mabilis makadadaan ang mga sasakyan sa toll plazas.(Eileen Mencias)

The post Barrier itataas! NLEX-MVP tiklop kay Gatchalian first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *