Barrier, helmet kailangan ng pasahero sa motorcycle taxi

Hindi inoobliga subalit kailangan may sariling helmet ay ito ang isuot para hindi nanghihiram sa mga sasakyang motorcycle taxi.

The post Barrier, helmet kailangan ng pasahero sa motorcycle taxi first appeared on Abante.

barrier helmet kailangan ng pasahero sa motorcycle taxi - Barrier, helmet kailangan ng pasahero sa motorcycle taxi
angkas - Barrier, helmet kailangan ng pasahero sa motorcycle taxi

Hindi inoobliga subalit kailangan may sariling helmet ay ito ang isuot para hindi nanghihiram sa mga sasakyang motorcycle taxi.

Ito ang paglilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) sakaling magbalik-operasyon ang mga motorcycle taxi at kailangang ipatupad ang health protocol para sa pag-iwas sa COVID-19.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año obligadong sumunod sa health protocol ang mga motorcycle taxi gaya ng paglalagay ng barriers at kung maaari ay magdala ng sariling helmet ang mga pasahero.

“Sa motorcycle taxi ay talagang requirement ‘yung barrier kasi hindi ‘yan magkakakilala at saka ‘yung paggamit ng helmet, ini-encourage natin ‘yung mga commuters sana meron kayong sariling helmet para hindi kayo manghihiram,” paliwanag ni Año.

Nilinaw pa nito na kung wala namang sariling helmet ang pasahero kailangang i-disinfect ang mga helmet matapos gamitin ng isang pasahero para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.(Vick Aquino)

The post Barrier, helmet kailangan ng pasahero sa motorcycle taxi first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *