Barong ni Digong gawa ng designer mula CDO

Barong ni Digong gawa ng designer mula CDO

SIMPLENG barong tagalog na gawa sa jusi ang suot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) nga­yong Lunes.

The post Barong ni Digong gawa ng designer mula CDO appeared first on Abante News Online.

barong ni digong gawa ng designer mula cdo - Barong ni Digong gawa ng designer mula CDO
mimi - Barong ni Digong gawa ng designer mula CDO

SIMPLENG barong tagalog na gawa sa jusi ang suot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) nga­yong Lunes.

Ayon kay Senador Bong Go, pareho sila ng isinuot ng Pangulo na gawa ni Cagayan de Oro designer Mimi Pimentel.

Kapwa aniya nila pinili ang jusi kaysa barong na yari sa pinya dahil hindi komportable ang Pangulo dito.

Ayon kay Go, makati sa katawan ang barong na pinya at nangangati aniya ang katawan ng Presidente kapag nagsuot nito.

“Jusi lang po, kasi makati ang barong na yari sa pinya. Hindi po komportable ang Presidente,” ani Go.

Gawang Marikina naman ang sapatos ng Pangulo sa kanyang SONA dahil malambot at matibay ito.

Napatunayan na aniya ito ng Presidente nang tadyakan nito ang isang tiwaling opisyal dahil tu­malsik ang sapatos at hindi nasira, pero bumakat ito sa mukha ng corrupt na opisyal. (Aileen Tali­ping)

The post Barong ni Digong gawa ng designer mula CDO appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *