Barangay sa Nueva Ecija bawal na tirahan

Mapanganib sa landslides at hindi na maaring manirahan pa sa Brgy. Dupinga sa Gabaldon, Nueva Ecija.

The post Barangay sa Nueva Ecija bawal na tirahan first appeared on Abante.

barangay sa nueva ecija bawal na tirahan - Barangay sa Nueva Ecija bawal na tirahan
abante nueva ecija - Barangay sa Nueva Ecija bawal na tirahan

Mapanganib sa landslides at hindi na maaring manirahan pa sa Brgy. Dupinga sa Gabaldon, Nueva Ecija.

Ito ang ipinagutos ni Governor Aurelio Umali makaraang iulat ng Mines and Geoscience Bureau (MGB) na idineklarang ‘no habitation zone’ ang lugar na tirahan ng mga katutubong Dumagat.

Nitong Oktubre 27 ay nagkaroon ng pagguho ang bahagi ng bundok doon dulot ng mga pag-ulan na sanhi ng mga bagyong Pepito at Quinta.

Ang gumuhong lupa ay nakalikha ng mini dam subalit nitong Oktubre 29 ay bumigay ito at naging sanhi ng pagragasa ng tubig sa Dupinga river.

Sa ebalwasyon ng MGB, marami ng bitak sa bundol na likha noong mga nagdaang sakuna tulad ng 1991 earthquake pagsalanta ng mga bagyo.

Dahil dito ay ipinagutos ang paghahanap ng permanenteng paglilikasan sa mga apektadong residente, lalo na sa mga katutubo.(Jojo de Guzman)

The post Barangay sa Nueva Ecija bawal na tirahan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *