Barangay off’l timbog sa pagtutulak

BUMAGSAK sa kamay ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station (MPD-PS) 4 ang isang barangay kagawad at isa pang kasabwat nito sa pagbebenta ng iligal na droga sa isang buy-bust operation kamaka­lawa sa Sampaloc, Maynila.

barangay offl timbog sa pagtutulak - Barangay off’l timbog sa pagtutulak
Abante kulong - Barangay off’l timbog sa pagtutulak

BUMAGSAK sa kamay ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station (MPD-PS) 4 ang isang barangay kagawad at isa pang kasabwat nito sa pagbebenta ng iligal na droga sa isang buy-bust operation kamaka­lawa sa Sampaloc, Maynila.

Nakadetine sa MPD-PS 4 ang suspek na si Barangay Kagawad Diana Guiao y Vicente at Benjamin Velasquez y Guiao na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naganap ang pag-aresto alas-10:00 nang gabi sa Blumentritt St. kanto ng J. Fajardo St., sa Sampaloc na sakop ng Barangay 537, Zone 53.

Ikinasa ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa pangunguna ni P/Capt. Edwin Fuggan matapo
s makatanggap ng tip hinggil sa iligal nilang aktibidad.

Isang nagpanggap na poseur buyer ang nakabili ng iligal na droga dahilan para arestuhin ang dalawa.

Nakuha sa mga suspek ang apat na sachet mg shabu na may street value na P1,800 at P300 buy-bust money. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *