Barangay kagawad nilikida

PATAY sa pamamaril ang isang barangay kagawad sa Mahal na Pangalan, Calapan City, Oriental Mindoro kamakalwa nang gabi.

The post Barangay kagawad nilikida appeared first on Abante News Online.

barangay kagawad nilikida - Barangay kagawad nilikida
patay ns estudyante - Barangay kagawad nilikida

PATAY sa pamamaril ang isang barangay kagawad sa Mahal na Pangalan, Calapan City, Oriental Mindoro kamakalwa nang gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jairus Maravilla Del Mundo, 42-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, g­aling si Del Mundo sa isang inuman at pauw­i na sana ng kanilang bahay nang ito ay dumaan sa isang waiting shed sa tabi ng daan kung saan nakatambay ang kanilang B­arangay Peacekeeping Action Team.

Ilang minuto pa ang nakalipas habang nakikipag-usap si Del Mundo, biglang duma-ting ang hindi pa kila-lang suspek at pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sinubukan pang isugod si Del Mundo ng kanyang mga kamag-anak sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival.

Agad namang tumakbo palayo ang suspek matapos ang pamamaril.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Calapan City Police kaugnay sa nasabing insidente para sa ikahuhuli ng suspek. (Paul Jaysent Fos)

The post Barangay kagawad nilikida appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *