Bangladeshi national na nambugbog ng 2 enforcer kalaboso

ARESTADO ang 40-anyos na Bangladeshi natio­nal nang mambugbog at pagmumurahin pa ang da­lawang traffic enforcer na humuli sa kanya dahil sa paglabag sa batas trapiko sa Bauang, La Union.

bangladeshi national na nambugbog ng 2 enforcer kalaboso - Bangladeshi national na nambugbog ng 2 enforcer kalaboso
arrest 6 - Bangladeshi national na nambugbog ng 2 enforcer kalaboso

ARESTADO ang 40-anyos na Bangladeshi natio­nal nang mambugbog at pagmumurahin pa ang da­lawang traffic enforcer na humuli sa kanya dahil sa paglabag sa batas trapiko sa Bauang, La Union.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Mohammad Sad Mammud, negosyante, pansamantalang naninirahan sa Barangay Quinavite, Bauang sa nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon, ayon sa BPS, hinarang si Mammud ng mga traffic enforcer na sina Arnel Calica, 30-anyos, at Stephen Federico, 41, parehong taga-Barangay Central East ken Central West, Bauang, La Union.

Dito, nagwala umano ang dayuhan at pinunit ang traffic violation receipt (TVR) dahil sa paglabag sa illegal parking, no driver’s license, no plate no travel, arrogant driver at obstruction.

Matapos punitin ang TVR, pinagsusuntok umano ng suspek ang dalawang traffic enforcer.

Agad na inaresto ang suspek ng mga pulis at nahaharap siya sa kasong direct assault at oral defamation of person in authority. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *