Bangkay ng coffee tycoon sa India, natagpuan na

NAREKOBER na ng mga awtoridad sa India nitong Miyerkoles ang bangkay ng coffee tycoon na iniulat na nawawala mula pa noong Lunes.

bangkay ng coffee tycoon sa india natagpuan na - Bangkay ng coffee tycoon sa India, natagpuan na
abante patay - Bangkay ng coffee tycoon sa India, natagpuan na

NAREKOBER na ng mga awtoridad sa India nitong Miyerkoles ang bangkay ng coffee tycoon na iniulat na nawawala mula pa noong Lunes.

Natagpuan ang bangkay ni V.G Siddhartha, founder ng Cafe Coffee Day (CCD), sa isang ilog sa katimugang bahagi ng India.

Dahil sa kumpirmasyon ng pagkamatay ni Siddhartha, sumadsad agad ang presyo ng shares ng Coffee Day Enterprises Ltd sa all-time low na 122.75 rupees.

Sumikat si Siddhartha bago pa man pumasok ang Starbucks sa India. Ang CCD chain nito ay may 1,600 store sa buong India kahit na kilalang mahilig sa tsaa ang mga mamamayan dito.

Ayon sa report, nagbibiyahe si Siddhartha patungong Mangaluri nang sabihan niya ang kanyang driver na iwanan siya sa isang tulay para maglakad-lakad.

Nang hindi makauwi si Siddhartha, doon na inalerto ng driver ang mga pulis.

Sa mga lumabas na balita sa India, ginigipit umano si Siddharta sa kanyang mga utang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *